Home » Post Item » quarter layp crisis
* lumipat na ako sa http://suzie.bloggoing.com

quarter layp crisis

September 13, 2006

ke-aga-aga drama-rama na ang entry.

hanuba, e kaya nga nag-ba-blog e pra may makapag-labas ng mga ke-echosan sa buhay hehehe.

walang makikialam.

magbasa ang gus2 magbasa.

heto na.

simula nung bata pa ako, may plano na ako sa mangyayari sa buhay ko. magkakaron ako ng magandang trabaho sa sikat na kompanya. magkakakotse ako. hiwalay pa ang van pang pamilya. papagandahin ko ang bahay namin. bibili ako ng malaking TV para sa sala. lingo-lingo kame kakain sa labas ng pamilya ko. hindi na kelangan magtrabaho ng tatay ko. hindi na mangungutang ever ang nanay ko sa mga kapitbahay.

nag-aral ako ng mabuti. ni nde ako makapag-suklay, makanuod ng sine o makibarkada. nidedma ang mga pilit na nami-flirt saken dahel focused ako sa pag-aaral -> sa kinabukasan ko at ng pamilya ko (am panget ng keyboard na i2 boset, kumakalas ang keys! haha! ok, serious mode ulet). sabi ko ska na lang. paggumaradweyt na lang ako. lahat ng pagtitiis ko mababayaran lahat yan sa huli. basta alam ko ok ako pagdating ng araw.

so eto na nga. may trabaho na ako. mas mataas ng konte ang kinikita sa iba kong kaibigan. kinikilala sa field na napili ko (well kinikilala ng compaies ko: programmer nga pla ako). nakabili na ng TV, sasakyan at halos lahat na ng nsa plano ko. kaya maglakwatsa ng ilang araw sa mga sikat na lugar gamet ang sarili kong pera.  pedi bumili ng damit, sapatos sa lahat ng kulay, magpa-straight, magpa-braces ng ngipen, magpalit ng celpon. maka-ilang beses ng nilapitan ng kun sinu-sinu pra umamin na may crush sila saken. kinaiingitan. iniidolo. (teka, magkalinawan tau, nde ako saksakan ng ganda. nde ko nga actually alam kun maganda ako. malamang nde. may iba akong katangian na kahanga-hanga. aun yon. hehe)

so what. 

eto ba un nipangako ko sa sarili ko na kapalit ng ilang taon ko na pagtitiis? ang totoo, nde ko alam. nde ko na alam ngaun kun ano ang gus2 ko. sabi ko nung umalis ako sa una kong trabaho: ayoko na d2, gus2 ko sa mas mataas na sweldo. dats wat i deserve sabi ko. dats wat i need. 

pro ngaun nand2 na ako sa mas mataas na sweldo halos mawalan na ako ng ulirat sa kakatrabaho. ayaw ko na nga d2 e. naisep ko na nde na mahalaga ang pera. i want my life back. gus2 ko na umalis. pro nde ko alam kun san ko gus2 pumunta.

nde ko alam kun ano ang gus2 ko.

Posted by suzie at 7:39 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment